Philippine Sugar Corp, mananatili para makatulong sa mga magsasaka — PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatupad ng pagbabago sa Philippine Sugar Corporation sa halip na ito ay buwagin kasunod ng mga tangkang ito ay ma-abolish.

Sa stakeholders’ meeting sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na kanilang titingnan kung anong mga pagbabago ang kailangang gawin sa PhilSuCor na ang layunin ay makapagbigay ng pinansiyal na tulong sa mga magsasakang nasa pag-aasukal lalo na sa mga kooperatiba at farmers’ association.

Hindi ia-abolish sabi ng Pangulo ang PhilSuCor na una nang tinangkang ito’y buwagin noong 2018 dahil sa umanoy overlapping functions nito sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa halip, magpapatuloy, ayon sa Presidente, ang trabaho nito na magbigay ng tulong sa mga magsasaka at sa iba’t ibang farmer groups.

Nilikha ang PhilSuCor sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1890 noong 1983 para sa pag-finance at rehabilitasyon o expansion ng sugar mills, refineries, at iba pang kahalintulad na pasilidad. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us