Php1,000 bill na may polymer, itinanghal bilang Banknote of the Year ng International Banknote Society

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagwagi bilang Banknote of the Year ang bagong Php1,000 bill ng Pilipinas sa katatapos lamang na patimpalak ng International Banknote Society.

Ang bagong Php1,000 na may polymer o plastic banknote ng bansa ang tinanghal bilang Banknote of the Year laban sa iba pang banknotes ng ibang bansa tulad ng Egypt, Algeria, Barbados, Northern Ireland at Scotland.

Ang disenyo ng ating salapi na kulay asul, may larawan ng Philippine Eagle, bulaklak ng Sampaguita at Tubatahha Reef ang nakakuha ng atensyon ng mga hurado.

Bukod sa mga disenyo, ang security feature din ng nasabing salapi ang isa sa mga dahilan ng pagkakatanghal nito bilang Banknote of the Year.

Ikinatuwa naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang parangal at pagkilala ng International Banknote Society sa pagsusumikap nito na mabigyan ng mas maayos na salapi ang ating bansa. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us