Pilipinas at Canada, nakatakdang magsagawa ng joint commission for bilateral cooperation sa darating na Oktubre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang magsagawa ng Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC) ang Pilipinas at Canada sa darating na Oktubre.

Ayon Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, layon ng naturang JCBC na makaroon pa ng hiwalay na pagpupulong para pag-usapan ng dalawang bansa ang prayoridad nito para sa usapin ng people to people exchange ng dalawang bansa sa sektor ng turismo at edukasyon.

Isa rin ito sa napag-usapan sa isinagawang bilateral meeting ng dalawang bansa nitong Biyernes.

Dagdag pa ni Manalo, kabilang rin sa mga nais pag-usapan sa darating na Oktubre ay ang pananaw ng Pilipinas ukol sa kasalukuyang sitwasyon o global issue sa Taiwan Strait, gayundin ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon naman kay Canadian Foreign Minister Melanie Jolie, nakatakda ring magbigay ng scholarship program ang kanilang bansa para sa mga Pilipinong nais mag-aral sa kanilang bansa.

Kaugnay nito, nais din ng bansang Canada na isulong at suportahan ang Pilipinas para sa free navigation nito sa West Philippine Sea at magkaroon ng maayos na maritime protection at conservation ang ating bansa sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea at sa 2016 Arbitral Award sa South China Sea. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us