Pilipinas at Singapore, nagsagawa ng kolaborasyon para mapalakas ang airway traffic system ng dalawang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mapaigting pa ang civil aviation sector ng Pilipinas at ng bansang Singapore nagkaroon ng kolaborasyon ang civil aviation authority ng dalawang bansa para sa pagpapalak ng airway traffic system ng mga paliparan nito.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippine Director General Manuel Tamayo na layon ng naturang collaboration na magkaroon ng maayos na airway traffic system katuwang ang aviation sector ng Singapore para magkaroon ng mas maayos at ligtas na biyahe ang bawat aircraft sa aviation airway ng dalawang bansa.

Ayon naman kay Civil Aviation Authority of Singapore Director General Han Kok Juan na nais nilang makatulong sa bansa pagdating sa mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagma-mamage ng aviation sector ng Pilipinas.

Sa huli ,sinabi ni Juan na hindi nila hahayaan na maiwan ang Pilipinas sa aviation sector sa Asya. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us