Itinuturing ng European Union (EU) businesses delegation ang Pilipinas bilang “best investment destination.”
Ito ang lumabas sa pulong ni House Speaker Martin Romualdez at ng EU-ASEAN Business Council (EU-ABC).
Ang naturang delegasyon ay binubuo ng 70 delagates mula sa 36 na European multinational companies
Ayon kay Noel Clehane, Board Member ng EU-ABC, isinusulong ng EU Lawmakers na magkaroon ng free trade ang EU sa Pilipinas.
Unti-unti na rin aniyang napapansin ang Pilipinas bilang trade partner ng EU.
“We have been highlighting to them that this region (ASEAN), particularly the Philippines, is the most attractive in the world for European businesses,” saad ni Clehane.
Kinilala naman ni Jens Ruebbert, na siyang nanguna sa delegasyon ang matatag at solid na economic fundamentals ng Pilipinas.
Katunayan dahil aniya sa mataas na GDP growth na naitala ng bansa kamakailan ay mas lalong nagiging interesado ang EU at iba pang foreign companies na mamuhunan sa Pilipinas.
“Probably the highest hike in the region has helped you to sustain and get things under control. So big congratulations for the economic situation, which is I think the basis for motivating European Union and other foreign companies to further invest and further extend trade with the Philippines,” dagdag ng opisyal.
Nangako naman si Romualdez, na patuloy na makikipag-ugnayan sa kanilang hanay upang makapagpanukala ng mga batas at polisiya na magpapadali sa kanilang pamumuhunan at business tramsaction sa bansa.
“We’re here to see how can help. We would like to support, we would like to assist. We’d like to be aware of the challenges so we could address them together,” saad ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes