Pilipinas, mangunguna sa UN Committee for Program and Coordination Conference

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tatanggapin ng Pilipinas ang Chairmanship nito bilang tagapangulo ng United Nations Committee for Program and Coordination (CPC) sa ika-63 na sesyon nito sa susunod na buwan.

Isasagawa ang nasabing sesyon sa punong tanggapan ng United Nations sa New York, Estados Unidos mula Mayo 30 hanggang Hunyo 30.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nahalal ang Pilipinas sa pamamagitan ng pag-apruba bilang tagapangulo ng UN Committee sa ginanap na sesyon nitong Abril 27.

Paliwanag ng Kagawaran, ang CPC ay ang pangunahing subsidiary organ ng Economic and Social Council at ng General Assembly para sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga programa.

Gayundin ang koordinasyon sa UN na may katungkulang magrepaso sa pangkalahatang programa ng Secretary General nito.

Kakatawanin ni Director Adela Dondonilla ng Commission on Audit ang Chairmanship, na aalalayan naman ng mga opisyal at kawani ng Philippine Mission.

Sinabi naman ni Ambassador Antonio Lagdameo na siyang Permanent Representative ng Pilipinas sa UN, isang patunay lamang ang pagkapangulo ng Pilipinas sa kakayahan ng bansa na makilahok sa iba’t ibang tungkulin ng pamumuno.

Sa kasalukuyan, may 34 member states ang lupon na kinabibilangan ng Amerika, Russian Federation, United Kingdom, Japan gayundin ang Pilipinas.

Bukod pa iyan sa anim na tinatawag na observer states tulad ng Switzerland, Australia, Kazakhstan, Myanmar, Kenya, Syrian Arab Republic at European Union. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us