Pilipinas, nakatanggap ng stable outlook mula sa global credit ratings agency Fitch; BBB credit rating, natanggap rin ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Department of Budget and Management (DBM) ang report ng global credit ratings agency na Fitch, kung saan itinaas nito sa stable ang outlook sa Pilipinas mula sa dating negative.

Sa report na inilathala ng Fitch, ika-22 ng Mayo, binigyan rin ang Pilipinas ng BBB credit rating.

Ang BBB rating ay above minimum investment grade na nangangahulugan na ang risk of default ay mababa. Pagpapakita rin ito ng kumpiyansa sa kakayahan ng isang bansa na tumalima sa financial commitment.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, nangangahulugan ito ng improved outlook signal ng creditworthiness ng bansa, at magbibigay daan para maka-access ang Pilipinas sa funding mula sa development partners at international capital markets, sa mas mababang halaga.

Ibig sabihin rin nito, ang credit condition ng Pilipinas ay nagsisimula nang tumatag sa trajectory nito na ibaba ang borrowing cost.

Ayon sa kalihim, nagbibigay-daan rin ito tungo sa pag-abot ng fiscal consolidation goals ng Marcos Jr. Administration.

“Fitch’s improved outlook is a welcome development leading to the attainment of our fiscal consolidation goals and the achievement of more fiscal space for the government’s priority agenda and projects,” — Secretary Pangandaman.

Ang mga mangingisda namam ng Pola, Bansud, Gloria, at Pinamalayan ay pinapayagang mangisda sa Bongabong, Bulalacao, Mansalay, at Roxas. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us