Pinoy employees sa Ireland Embassy, sasailalim na sa social security coverage — SSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda na sa kasunduan ang Social Security System (SSS) kasama ang Employees Compensation Commission (ECC) at Ambassador ng Embassy of Ireland para sa kapakanan ng mga  Filipino employees.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, nakapaloob sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ang pagbibigay ng social security coverage at mga benepisyo sa mga Pinoy employee sa Irish Embassy sa Maynila.

Sa ilalim ng kasunduan, siyam na Filipinong empleyado na nagtatrabaho sa Irish Embassy ang magiging covered employees na at ang Embassy of Ireland ang kanilang employer.

Bilang kapalit, sasagutin ng embahada ang bahagi ng employer sa buwanang kontribusyon ng kanilang mga manggagawa sa SSS.

Sa kasalukuyan, ang SSS contribution rate ay 14 percent, kung saan ang employer ay nagbabayad ng 9.5% habang ang empleyado ang aako ng natitirang 4.5%.

Sasagutin din ng embahada ang mga kontribusyon sa EC ng mga empleyado nito, na mula Php10 hanggang Php30 bawat buwan, depende sa kanilang Monthly Salary Credit. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us