Planong housing project sa Nueva Vizcaya, sinuportahan ng DHSUD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang Department of Human Settlements and Urban Development na suportahan ang planong housing project ng lokal na pamahalaan ng Diade sa Nueva Vizcaya.

Ito’y matapos makipag-partner ang LGU sa DHSUD sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program ng Pamahalaan.

Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan nina DHSUD Assistant Secretary Daryll Bryan Villanueva at Diade Mayor Sandy Gayaton para selyuhan ang kanilang partnership sa proyekto.

Sa kanilang pulong, tinalakay ni Mayor Gayaton ang inisyal na pagtatayo ng housing units sa pitong(7) ektaryang lupain sa Barangay Namamparan.

Target ng pabahay project na mabenipisyuhan ang govenment employees, professionals at informal sectors sa munisipalidad. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us