Ikinatuwa ni Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go ang plano ng Moderna na magpatayo ng vaccine production facility sa Pilipinas.
Ito ay matapos ianunsyo ng malacañang na plano ng Moderna na magtayo ng Shared Service Facility for Pharmacovigilance, ito ang una sa Asya at pangatlong pasilidad sa buong mundo.
Para kay Go, isa itong pagpapakita ng kumpiyansa sa gumagandang business climate ng bansa at maging sa expertise ng lokal na medical science professionals.
Welcome development aniya ito para mapalapit sa mga tao ang mga serbisyong pangkalusugan na kailangan para maging malusog, ligtas at produktibo ang ating mga kababayan.
Nagpasalamat rin ang senador kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy nitong pang-eengganyo sa mga dayuhan na mamuhunan sa Pilipinas.
Katumbas aniya ng maraming mamumuhunan ang mas maraming trabaho at pangkabuhayan para sa mga pilipino.
Muli ring isinusulong ni Go ang pagsasabatas ng panukalang pagtatayo ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines. | ulat ni Nimfa Asuncion