PNP Chief, binati ang lahat ng pulis sa pagkamit ng 80% Trust & Satisfaction Rating sa huling OCTA survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng opisyal at tauhan ng PNP sa pagkamit ng 80 porsyentong Trust and Satisfaction Rating sa First Quarter 2023 Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research.

Ayon sa PNP chief, ang pagtitiwala at kasiyahan ng 80 porsyento ng populasyon sa PNP ay pagpapatotoo ng lumabas sa survey na 85 porsyento ng mga mamamayan ang naniniwalang tinatahak ng gobyerno ang tamang direksyon sa pamumuno ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nagpasalamat naman si Gen. Acorda sa mga mamamayan sa positibong pananaw sa PNP at sinabing lalo pang magsisikap ang PNP para suklian ang pagtitiwala ng taumbayan.

Ito aniya ay kanilang gagawin sa pamamagitan ng paghahatid ng makatotohanang serbisyo-publiko at matapat na pagganap sa kanilang tungkulin, kung saan handang itaya ng mga pulis ang kanilang buhay para protektahan ang mga mamamayan.

Siniguro naman ni Acorda na magagantimpalaan ang mga pulis na mahusay magtrabaho at mapaparusahan ang mga tiwaling pulis sa pamamagitan ng “institutionalized” na systema ng “reward and punishment.” | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us