PNP Chief sa mga commander: Iparamdam sa mga mamamayan na welcome sila sa mga himpilan ng pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng police commanders na iparamdam sa mga mamamayan na welcome sila sa mga himpilan ng pulis.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP Chief sa Flag-raising ceremony sa Camp Crame ngayong umaga.

Ayon sa PNP Chief, kung maramdaman ng mga mamamayan na sila ay welcome at protektado kapag sila ay nagsusumbong sa mga pulis, naniniwala siya na mababawasan ang mga pang-aabuso sa mga komunidad.

Bahagi aniya ito ng kanyang 5-focused agenda upang makapaghatid ng “nagkakaisang serbisyo” sa mga mamamayan.

Kabilang sa 5-focused agenda ni Gen. Acorda ang agresibo at tapat na law enforcement operations, pagpapaunlad ng morale at kapakanan ng mga pulis, pagpapalakas ng integridad ng organisasyon, modernisasyon ng kapabilidad sa Information and Communication Technology, at pagpapalawak ng ugnayan sa komunidad. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us