PNP, nagpasalamat sa mga labor group sa mapayapang pagdiriwang ng Labor Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang PNP sa mga organizer at lider ng mga labor group sa kanilang kooperasyon na nagresulta sa mapayapang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa kahapon.

Sa isang statement, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan na ito ay patunay na maaring magsagawa ng pampublikong pagpapahayag ng saloobin sa maayos at mapayapang paraan sa pamamagitan ng dayalogo at koordinasyon.

Sa panig aniya ng PNP ay pinanindigan nila ang kanilang pangako na walang mangyayaring kumprontasyon o “police intervention” kung isagawa ang mga pagkilos ng naayon sa batas, at hindi nakakaapekto sa pampublikong kaayusan.

Ayon kay Maranan, walang pag-arestong ginawa ang PNP kaugnay ng mga kilos protesta, habang patuloy na ginampanan ng mga pulis ang kanilang trabaho na tugisin ang mga kriminal at organized Crime groups.

Sinabi ni Maranan na sa buong araw kahapon ay walang-patid ang komunikasyon ng PNP Command Center sa 17 Police Regional Offices, at walang “significant incident” kaugnay ng pambansang seguridad ang iniulat sa pagdiriwang ng Labor Day. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us