PNP, nagpasalamat sa publiko sa mataas na trust at performance rating

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Philippine National Police (PNP) sa mga mamamayan at sa OCTA Research sa nakamit nilang mataas na trust at performance rating sa huling survey.

Sa isang statement, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan na pinapatunayan lang ng survey na marami pa ring nagtitiwala at kumpyansa sa PNP.

Base sa resulta ng survey, 80 porsyento ng mga mamamayan sa buong bansa ang nagsabing nagtitiwala sila sa PNP, habang 79 porsyento naman ang kuntento sa kanilang performance.

Habang 41 porsyento naman ang nagsabing nagkaroon ng improvement sa pagpapatupad ng PNP ng peace and order; at 41 porsyento rin ang naniniwalang nag-improve ang pagtugon ng PNP sa krimen.

Sinabi ni Maranan na magsisilbing motibasyon at inspirasyon ang resulta ng survey para paghusayin pa ng PNP ang kanilang serbisyo sa bayan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us