Pondo na kakailanganin sa Automated Counting Machines, wala pang eksaktong halaga — COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado ang Commission on Elections na bagama’t nanawagan sila ng karagdagang pondo sa kongreso ay hindi pa nila alam ang kailangan nilang halaga para sa mga gagamiting bagong makina sa 2025 elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ito ang isa sa dahilan kung bakit nila agad inilabas ang mga term of reference para sa midterm elections.

Sa ganitong paraan aniya’y maaga silang makakapagsagawa ng market survey sa buong mundo at maaga din makakapag-bid ang mga gusto at may kayang mag-provide ng mga kinakailangang features ng Comelec.

Paliwanag ni Laudiangco, matapos ang market survey ay dito pa lamang nila malalaman kung magkano ang budget na kakailanganin para sa 127,000 precincts sa 2025 hatol ng bayan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us