Pondo para sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office, dapat hugutin sa insurance claims ayon kay Sen. Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senador Chiz Escudero, na dapat manggaling mula sa fire insurance claims ang pondo para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng Manila Central Post Office.

Ayon kay Escudero, bago pa man maglaan ng pondo ang pambansang gobyerno para sa rehabilitasyon ay dapat munang makolekta ang fire insurance mula sa Government Service Insurance System (GSIS).

Una nang kinumpirma ng GSIS, na insured ng P604 million ang Manila Central Post Office.

Ipinunto ng senador na sa ilalim ng Property Insurance Law (Republi Act 656), inoobliga ang lahat ng ahensya ng gobyerno maliban ang ilang lokal na pamahalaan, na i-insure ang kanilang properties, assets, at mga interes mula sa anumang banta sa pamamagitan ng General Insurance Fund (GIF) na pinangangasiwaan ng GSIS.

Iginiit ng mambabatas, na dapat gawin na agad ang paghahain ng insurance claims para mapondohan sa lalong madaling panahon ang pagsasaayos sa post office building. Kasabay nito ay nanawagan si Escudero sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno, na sumunod sa memorandum ng Commission on Audit (COA) at tiyakin na insured ang kanilang assets at properties. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us