Power transmission lines ng NGCP, hindi naapektuhan sa gitna ng malakas na lindol sa Isabela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling normal ang power transmission services ng National Grid Corporation of the Philippines sa kabila ng 5.8 magnitude na lindol na naganap sa Maconacon, Isabela kaninang umaga.

Ayon sa NGCP, nanatiling intact ang Luzon Grid at walang ulat ng mga power interruption at mga nasirang transmission lines sa mga lugar kung saan naramdaman ang lindol.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, maraming lugar sa Luzon ang niyanig ng lindol at pinakamalakas ay naramdaman sa Penablanca, Enrile, at Tuguegarao City, Cagayan.

Bago magtanghali kanina, nararamdaman pa ang mga aftershocks sa bayan ng Maconacon.

Ang may kalakasang aftershock na may magnitude 4.2 ay naramdaman dakong alas-9:22 ng umaga.

Naitala ang Intensity 1 sa Gonzaga, Cagayan at Ilagan, Isabela. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us