PRC at Rotary International, lumagda ng MOA para sa wheelchair donation sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang makatulong sa mga Pilipinong may kapansanan sa paglakad, nagkaroon ng isang memorandum of agreement ang Philippine Red Cross at ang Rotary International para sa isang wheelchair project sa bansa.

Ayon kay Philippine Red Cross Secretary General Dr. Guwen Pang, layon ng naturang MOA na maibigay ang 270 wheel chairs sa mga napiling benepisyaryo ng Red Cross.

Dagdag pa ni Sec. Gen Pang, itoy upang mabgiyan ng pagkakataong magkaroon ng mas maayos na mobility ang mga kababayang walang kakayahang maglakad.

Nagpasalamat naman ang Philippine Red Cross sa Rotary Club sa pagpili sa Red Cross na maging kaagapay nito sa pagtulong sa PWDs sa bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us