Pre-inspection sa mga kargamaneto, suportado ng Cavite solon para iwas smuggling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuportahan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang rekomendasyon ng Swiss company na Société Générale de Surveillance SA (SGS) na ipatupad ng Pilipinas ang pre-shipping inspection sa mga kargamentong papasok ng bansa upang masawata ang smuggling.

Ayon sa mambabatas, magandang buhayin ang naturang sistema na dati nang ipinatupad noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. at naging epektibo.

Kamakailan nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng SGS para sa posibleng pagsasagawa ng pre-shipment inspection sa mga produktong pang-agrikultura na ipinapasok sa bansa.

Sa kasalukuyan, ang mga produktong petrolyo lamang ang isinasailalim ng SGS sa pre-shipping inspection.

Naniniwala si Barzaga na kung ipatutupad ang pre-shipping inspection ay wala nang magiging interference ang Bureau of Custom at pagdating sa Pilipinas ng shipment ay dire-diretso na lang ang paglalabas nito.

“That’s a good move. It makes a lot of sense because there will practically be no interference from the Bureau of Customs anymore. Kung halimbawa ang shipment galing sa China, sa China pa lang ini-inspeksyon na ng SGS bago isakay, saka bibigyan ng clearance, kaya pagdating dito sa Pilipinas wala na, release na lang ng release,” paliwanag ni Barzaga.

Una nang tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang datos ng UN Commodity Trade data para sa Pilipinas kung saan lumalabas na 20.48 percent ng agricultural imports ang hindi ipinupuslit at hindi nababayaran ng tama ang buwis. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

📷: Cong. Pidi Barzaga fb page

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us