Pres. Marcos Jr., inatasan ang ilang ahensya ng pamahalaan para mabawasan ang problema sa jobs and skills mismatch

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakikilos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) gayundin ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang matugunan ang jobs and skills mismatch.

Ang hakbang ay ginawa ng Pangulo sa harap na rin ng pagsang-ayon nito sa proposal ng Private Sector Jobs and Skills Corporation na mag-upgrade sa kasanayan ng Filipino workforce, matugunan ang jobs and skills mismatch, at makalikha ng mas maraming trabaho.

Ayon sa Pangulo, mahalaga na magkaroon ng kooperasyon sa pagitan ng gobyerno at ng pribadong sektor para makalikha ng hanapbuhay.

Lumalabas sa pag-aaral na isinagawa ng Philippine Institute for Development Studies na 40 porsiyento ng mga may trabahong Pilipino ay nagtataglay ng academic credentials na higit sa qualifications na hinahanap ng kanilang trabaho.

Magsisilbi namang misyon ng PSJSC na ma-organisa ang mas coordinated mission government-industry-academe national movement para maresolba ang suliranin sa jobs and skills mismatch. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us