Paggayak na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong United Kingdom para dumalo sa koronasyon ng bagong hari nito na si King Charles.
Sa panayam sa Pangulo sa Washington, sinabi nitong mahigit isang oras mula ngayon ay lilipad na siya patungong UK at sa Gatwick Airport aniya siya lalapag upang tingnan ang kanilang operasyon at best practices nang sa gayon ay mai-apply naman sa Pilipinas.
Bukod sa pagdalo sa coronation ng bagong hari ng UK, sinabi ng Pangulo na makikipagkita din siya sa Punong Ministro nito para madetermina kung anong posibleng pagbabago sa partnership nito sa Pilipinas.
Dito bubuksan ng Pangulo ang usapin na may kinalaman sa ekonomiya, trade and investment, habang inaasahan din ng Chief Executive na mapag-uusapan ang pangangailangan ng UK ng mga health workers mula sa ating bansa. | ulat ni Alvin Baltazar