Asahan na naman ang panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na lingo.
Ayon sa source ng Radyo Pilipinas sa industriya ng langis, maglalaro sa P0.90 hanggang P1.20 ang posibleng itaas naman sa kada litro ng Gasolina.
Habang posible namang bumaba ng P0.30 sentimos sa kada litro ng diesel.
Sa pakikipag-ugnayan din ng Radyo Pilipinas kay Department of Energy Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, malaki ang tsansang tumaas ng mahigit piso ang presyo ng gasolina.
Habang posible namang bumaba o walang maitalang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.
Samantala, una nang ipinaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) na epektibo ang price freeze sa mga lugar na nakapailaim sa state of calamity kabilang na riyan ang sa mga produktong petrolyo. | ulat ni Jaymark Dagala