Price freeze, handang ipatupad ng DTI sakalaing may mga lugar na lubhang masasalanta ng Super Typhoon Mawar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa sa harap ng banta ng Super Typhoon Mawar.

Ayon kay DTI-Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo, handa silang magpatupad ng price freeze sakali mang may mga lugar na lubhang maapektuhan ng kalamidad

Nakadepende aniya ito sa magiging deklarasyon ng LGU ng state of calamity kung saan magiging otomatiko ang price freeze bilang mitigating measure upang maiwasan ang pang-aabuso sa presyo ng bilihin.

Sa usapin naman ng hoarding, sinabi ng DTI na hindi nito pipigilan ang mga consumer na mag-imbak kung ito ay gagamitin lamang pang household o para lang sa mag-anak.

Pinatitiyak naman ng DTI sa mga retail at manufacturer na sapat ang kanilang suplay ng mga produkto lalo na ngayong may paparating na malakas na bagyo.

Ngayong araw ay nag-inspeksyon ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang ilang local officials sa tatlong supermarket sa QC upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa SRP ng basic necessities at prime commodities.

Wala namang pang-aabusong nakita sa tatlong supermarkets at ang iba nilang presyo ay pasok o mas mababa pa sa SRP. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us