Private armed groups, titiyakin ng PNP na di makakasagabal sa BSK Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisiguraduhin ng Philippine National Police (PNP) na hindi makakasagabal sa darating na Barangay at Sangguniang (BSK) Kabataan Elections ang mga Private Armed Groups (PAG).

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., mino-monitor ng PNP ang 48 PAG na posibleng manggulo sa darating na halalan.

Bagamat hindi tinukoy ng PNP chief kung saang mga lugar naka-base ang naturang mga PAG, sinabi ni Acorda na puspusan ang paghahanda ng PNP para masiguro na malinis at maayos ang halalan sa Oktubre.

Una nang inihayag ng PNP na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang Directorate for Operations sa Commission on Elections at sa mga regional at Provincial Police Offices para sa pagtukoy ng election areas of concern. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us