Probisyon ng seedlings ng non-water-loving crops at pagsugpo sa animal disease outbreaks, ilan sa nakikitang intervention ng NEDA kontra vs. El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumubuo na ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng mga polisiya at intervention upang tulungan ang mga maaapektuhan ng El Niño sa bansa.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, kailangang magkaroon ng probisyon ng seedlings ng non-water-loving crops o crop varieties.

Dapat din aniyang maging proactive ang gobyerno sa pagsugpo sa disease outbreaks sa mga hayop sa pamamagitan ng mas pinaigting na border protection at monitoring.

Batid ni Balisacan na malaki ang banta ng El Niño sa supply pressures sa pagkain kaya inirekomenda ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook ang napapanahong pag-aangkat upang mapunuan ang supply gaps at strategic prepositioning ng rice buffer stocks.

Bukod dito, mainam na palawakin ang Kadiwa program at pagpapabilis ng distribusyon ng targeted subsidies sa mga mangingisda at magsasaka na bahagi ng short-term plan.

Samantala, para sa medium-term solutions ay palalakasin ang productivity at resiliency ng sektor ng agrikultura at fisheries gayundin ang pag-promote sa investments sa pasilidad, transportasyon, logistics systems at expansion ng water infrastructure. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us