Mariing binatikos ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga nagkalat na misinformation sa social media.
Partikular ayon kay Tansingco ang kumakalat na video sa social media platform, na nag-aalok ng trabaho sa mga Pilipino sa ibayong dagat bilang turista, at paggigiit ng kanilang karapatang bumiyahe.
Ayon kay Tansingco, mapanlinlang ang mga naturang video at sinasamantala nito ang mga Pilipino na naghahangad ng magandang buhay para sa kanilang pamilya.
Puspusan aniya ang ginagawang pagbabantay ng Inter-Agency Council Against Traffick o IACAT para labanan ang mga ganitong uri ng ilegal na aktibidad.
Babala pa ng Immigration Chief, may katapat na kulong na 40 taon ang sinumang mapatutunayang nasa likod ng illegal recruitment. | ulat ni Jaymark Dagala