Hinihikayat ng Manila Electric Company (MERALCO) at ng Department of Energy (DOE) ang publiko na maghanda sa posibleng epekto ng El Niño sa bansa.
Sa inilabas na pahayag ng MERALCO, sinabi nitong nakikipag-ugnayan na sila sa DOE para himukin ang publiko na gawin ang energy efficiency measures upang mapabuti pa ang kanilang konsumo.
Batid ng MERALCO na kadalasang tumataas ang konsumo sa kuryente tuwing panahon ng tag-init dahil dito rin ginagamit ang mga cooling device tulad ng aircon.
Ayon naman kay DOE Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino, ang paggamit ng mga appliance ng tama ay makatutulong para sa energy efficiency.
Magugunitang naglabas ng El Niño Alert ang PAGASA Weather Bureau bilang paalala sa publiko, na asahan ang mas mainit na temperatura hanggang sa tuluyan nang umiral ang El Niño sa mga buwan ng Hunyo na tatagal hanggang sa susunod na taon. | ulat ni Jaymark Dagala