Pulis na nasawi at 2 sugatan sa buy-bust operation sa Bataan, pinarangalan ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinarangalan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pulis na nasawi at dalawang sugatan sa buy-bust operation nitong Martes sa Orion, Bataan.

Sa kanyang pagbisita sa lamay para kay PCpl. Darnel Alfonso, iginawad ng PNP Chief “posthumously” ang Medalya ng Kadakilaan sa pulis na nasawi sa pagganap ng kanyang tungkulin.

Personal ding nakiramay ang PNP Chief sa mga naulila ni Cpl. Alfonso, at nag-abot ng tulong sa pamilya mula sa PNP.

Binisita din ng PNP Chief sa ospital ang dalawang kasama ni Cpl. Alfonso na sugatan sa insidente na sina PMajor Dennis Duran at PSSG Glen Salac.

Iginawad naman ng PNP Chief sa dalawang pulis ang Medalya ng Sugatang Magiting. | ulat ni Leo Sarne

📸: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us