Re-election ng mga Pangulo ng bansa, nais ipanukala ni Sen. Robin Padilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na ni Senador Robin Padilla ang pagpapanukala na amyendahan ang termino ng mga magiging Pangulo ng Pilipinas para mapahintulutan silang tumakbong muli.

Ito ay kasabay ng plano ng senador na magsulong ng amyenda sa political provision ng konstitusyon kasunod na rin ng pagkabigong umusad ng una niyang isinulong na economic charter change (Cha-Cha).

Giit ng Senate Committee on Constitutional Ammendments chairperson na kung may naiisip man ang mga kasamahan niyang mambabatas na alternatibo sa economic Cha-Cha, pagdating sa political provisions ng saligang batas ay kailangan aniyang ipaliwanag pa sa kanya kung bakit hindi ito kailangan.

Nais ring baguhin ng senador na limitahan lang sa apat na taon ang isang termino ng Pangulo ng bansa kung saan pagkatapos nito ay pwede silang tumakbong muli.

Paliwanag ng mambabatas, masyadong maiksi ang anim na taon para isang magaling na Presidente pero masyado naman itong mahaba para sa isang hindi epektibong Punong Ehekutibo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us