Rebyu at amyenda sa EPIRA, isinusulong ni Senador JV Ejercito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan ni Senador JV Ejercito ang pag-rebyu at amyenda sa Electric Power Industry Act (EPIRA) dahil sa kabiguan aniya nitong pababain ang singil sa suplay ng kuryente sa bansa.

Giit ni Ejercito, ang intensyon ng naturang batas ay itaguyod ang kompetisyon sa power industry na inaasahang magbubunga sa pagpapababa ng presyo ng kuryente sa bansa.

Kailangan aniyang malaman kung bakit hindi naging matagumpay ang EPIRA at magpatupad ng mga adjustment para maging epektibo ito.

Bukod sa rebyu sa EPIRA, nais rin ng mambabatas na silipin ng kongreso at mga ahensya ng gobyerno ang performance ng energy companies na nag-ooperate sa Pilipinas.

Kabilang na dito ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Binigyang diin ni Ejercito na kailangan ang performance audit lalo na sa gitna ng isyu sa pagkakaroon ng share ng State Grid Corporation of China sa NGCP, na aniya ay isang national security issue. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us