Lumagda ng isang Record of Discussion ang National Economic Development Authority at Korean International Cooperation Agency o KOICA para sa pagpapatayo ng isang Integrated Water Resources Management Facility Project sa bansa.
Nagkakahalaga ang naturang Proyekto ng nasa 2.5 million US dollars mula sa development assistance ng Korean International Cooperation Agency.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan na malaki ang maitutulong ng naturang proyekto sa bansa na ma-improve ang delivery ng water supply, sanitation, irrigation, at flood control services sa Pilipinas.
Nagpalasalamat naman si Balisacan sa Bansang Korea sa pagkakaroon ng ganitong proyekto sa bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio
📷: NEDA