Red Cross, nanguna sa distribusyon ng pabahay sa mga sinalanta ng bagyong Odette sa Bohol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanguna ang Philippine Red Cross sa distribusyon ng Certificates of Occupancy sa mga benepisiyaryo ng Full Shelter Assistance Project na sinalanta ng Super Typhoon Odette sa Bohol.

Ang konstruksyon ng proyekto ay nagkakahalaga ng ₱25.9-million na sinimulan noong Oktubre noong nakaraang taon.

Ayon sa PRC, sinuportahan ito ng ng Embassy of the Republic of Korea, Kuwait Red Crescent, Singapore Red Cross, at partners mula sa private sector.

Bukod sa shelter assistance, nagkaloob ang PRC ng health assistance, suplay ng tubig, relief items, pagkain, at psychological support sa mga biktima ng bagyong Odette.

Paliwanag ni PRC Secretary General Gwen Pang, layon ng FSA na magbigay ng matibay, ligtas, at komportableng pabahay sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dulot ng bagyo.

Tiniyak naman ni PRC Chairperson Richard Gordon na mananatili silang committed sa misyong tugunan ang paghihirap ng vulnerable communities sa lalawigan hanggang tuluyang makabangon. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us