Regional offices ng NDRRMC, OCD, pinaghahanda sa ‘El Niño’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng memorandum ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD) na nag-aatas sa lahat ng kanilang regional na tanggapan na magsagawa ng paghahanda para sa “El Niño.”

Ito’y matapos ang pagpupulong ng NDRRMC kahapon kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kasunod ng pagtataas ng PAGASA ng kanilang monitoring status mula sa “El Niño Watch” sa “El Niño Alert”.

Base sa pinakahuling forecast ng PAGASA, maaring magsimulang maranasan ang “El Niño” mula Hunyo hanggang Agosto, at may 80 porsyentong tsansa na tatagal hanggang sa unang bahagi ng 2024.

Dahil sa “El Niño” inaasahan ang mababa sa normal na antas ng pag-ulan na maaring magresulta sa matinding tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, pinaalalahan ng NDRRMC ang publiko na sumunod sa abiso ng mga awtoridad bilang paghahanda sa naturang “climate phenomenon.” | ulat ni Leo Sarne

?: PNA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us