Renewal ng service contract ng Malampaya, tututukan ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatututukan ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapatupad ng pinirmahang renewal na 15-year, service contract 38 ng Malampaya deep water gas to power project.

Kabllang sa mga pinatitiyak ng senador sa Department of Energy (DOE) ay ang pagtugon ng bawat consortium member sa capital requirement ng proyekto.

Ipinunto ni Gatchalian, na alinsunod sa Section 8b ng Presidential Decree No. 87, nakasaad na bahagi ng obligasyon ng gobyerno na bantayan ang pamamahala sa operasyon ng service contract, at obligahin ang service contractor na tugunan ang kailangang financing.

Iginiit ng mambabatas, na kailangang tiyakin na magiging maayos ang takbo ng Malampaya project sa mga susunod na taon dahil napakalaki ng kontribusyon nito sa pangkalahatang suplay ng kuryente sa bansa.

Ito lalo na aniya sa gitna ng patuloy nating dinadanas na pagbabanta sa sektor ng enerhiya. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us