Kinatigan ng mayorya ng mga kongresista ang pagpapatibay sa House Resolution 1009.
Sa ilalim nito ay ipinapaabot ng Kamara ang pakikiisa sa pagbibigay papuri at pagkilala sa Philippine delegation sa 32nd Southeast Asian Games.
Kung matatandaan sa pagtatapos ng palaro noong nakaraang linggo ay nakamit ng Pilipinas ang 5th overall ranking matapos makakuha ng kabuuang 260 na medalya.
Nasa 58 dito ay gold medal, 85 ang silver, at may 117 na bronze.
Bukod sa mga atleta, kinilala rin sa resolusyon ang Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Richard Bachmann, at Philippine Olympic Committee na pinamumunuan ni dating Cavite Representative Abraham Tolentino, at mga pribadong organisasyon at indibidwal na tumulong sa mga atleta.
“The remarkable finish of the athletes and the entire Philippine delegation shows the Filipino spirit of rising above arduous obstacles brought by the pandemic and other challenging conditions, and inspires aspiring Filipino athletes to train hard and do their best to become sports heroes in their own fields. It is but fitting and proper to congratulate and commend the indomitable spirit and exceptional performance and achievement of the Philippine delegation, including all athletes, coaches, trainers, and support staff for bringing honor and glory to the country through the gold, silver and bronze medals won in the various sports events,” saad sa resolusyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes