Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, kasado na bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-anunsyo na ang mga kumpaniya ng langis ng bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo epektibo bukas, Mayo 9.

₱2.20 ang bawas presyo sa kada litro ng Gasolina, ₱2.70 naman ang tapyas sa kada litro ng Diesel habang ₱2.55 naman sa kada litro ng Kerosene ang ipatutupad ng mga kumpaniya ng langis.

Unang magpapatupad ng mga nabanggit na bawas presyo ang mga kumpaniyang CALTEX at CleanFuel ganap na alas-12:01 ng hatinggabi.

Habang alas-6 naman ng umaga magsusunuran ang mga kumpaniyang SHELL, SEAOIL at PetroGazz gayundin ang iba pang mga oil company.

Ito na ang ikalawang linggo na nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumpaniya ng langis ngayong buwan ng Mayo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us