Binuksan na 24-oras ang runway sa NAIA.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong ito ay para bigyang daan ang mga recovery flight at mabawasan ang mga delayed flight at canceled flight.
Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline company para sa status ng kanilang flight.
Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na kabilang sa prayoridad sa ngayon ang passenger movement o mapabilis ang pag-alis at pagdating ng mga pasahero upang hindi maipon sa airport.
Kasunod ng power outage kahapon ng umaga nasa 40 flight na agad ang nakansela. | ulat ni Don King Zarate