Salary upgrade para sa public dentists, ipinapanukala ni Sen. Chiz Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Senador Chiz Escudero na mataasan ang sweldo ng nasa 2,000 dentista sa public sector para mahikayat ang mas maraming dentista na manatili sa government service.

Sa ilalim ng Senate Bill 2082 na inihain ng senador, pinapanukalang itaas ng hanggang 43,030 pesos ang entry level ng mga dentistang nagtratrabaho para sa pamahalaan – katumbas ito ng Salary Grade 17.

Ito ay mula sa Salary Grade 13 o 31,320 pesos na sweldo nila ngayon.

Pinunto ni Escudero na isa sa mga pangunahing dahilan kaya hindi nakakahikayat ang gobyerno ng mga denstista ay ang malaking agwat sa sweldo na maaari nilang makuha sa pribadong sektor.

Base sa National Database of Selected Human Resources for Health, nasa 1,943 na dentista ang nagtratrabaho sa public sector hanggang nitong December 2022…katumbas ito ng pagkakaroon lang ng isang public dentist sa bawat 57,423 na mga pilipino.

Bukod sa Dentist 1 position, itataas din sa P57,347 ang sahod ng Dentist II; P71,511 sa Dentist III; P102,690 sa Dentist IV; P131,124 sa Dentist V; P167,423 sa Dentist Vi at P189,199 sa Dentist VII. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us