Salt farmers sa bansa, pinakamakikinabang sa panukalang Philippine Salt Industry

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang pagkaka-apruba ng Philippine Salt Industry Development Bill sa Kamara.

Bilang principal author ng panukala, sinabi ng mambabatas na malaking benepisyo para sa salt farmers ang paradigm shift na itinutulak ng panukala mula sa regulasyon ng salt industry patungo sa pagpapaunlad nito.

Umaasa si Salo na sa pamamagitan ng bubuuing Philippine Salt Industry Development Council ay pagtutulungan ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na maipatupad ng tama ang ilalatag na salt industry development roadmap para sa kapakinabangan ng mga salt farmer.

Malaking bagay din aniya na nireklasipika ang asin bilang agricultural product upang mas mabigyang pansin ang pangangailangan ng salt farmers.

“The reclassification of salt as an agricultural product is a decision that recognizes the crucial role of our salt farmers in our nation’s economic landscape. With the DA at the helm, we can now channel our resources effectively, ensuring the well-being and growth of our salt industry,” saad ni Salo.

Positibo din ang kinatawan na dahil sa isa ito sa LEDAC priority measure ng administrasyon ay mabilis lang din itong malalagdaan bilang ganap na batas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us