San Juan City Mayor Zamora, pinulong ang mga kawani ng CDRRMO para sa paghahanda sa pagpasok ng bagyong Betty sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si San Juan City Mayor Francis Zamora sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng kanilang lungsod sa inaasahang pagpasok ng super typhoon Betty sa bansa.

Isa sa napag-usapan sa naturang pagpupulong ay ang magiging contigency plan ng San Juan City kung sakaling manalasa ang naturang bagyo sa kanilang lungsod at maihanda na ang mga pumping stations upang hindi na magkaroon ng malawakang pagbaha sa ilang mga barangay sa San Juan.

Ayon kay San Juan City Disaster Risk Reduction and Management Office Head Tom Pacasum, layon ng papatawag ng pulong ni Mayor Zamora na palaging handa ang disaster response ng San Juan sa posibleng pananalasa ng bagyo at magbigay ng malalakas na ulan sa Kalakhang Maynila.

Ayon naman kay Mayor Zamora, kanyang sisigurihin ang maayos at mabilis na pagresponde ng mga emergency response unit ng lungsod.

Muli namang siniguro ni Zamora na may sapat na food packs at evacuation center ang San Juan sa mga maapektuhan kung sakaling magpatuloy ang mga pag-uulan kapag pumasok na ang bagyo sa mga susunod na araw.  | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

📸: San Juan PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us