Tiniyak ng PNP na hindi mapapabayaan ang kanilang pangunahing mandato na magpatupad ng seguridad sa gitna ng paghahanda sa bagyong Betty.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, nakalinya sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Betty ang kanilang law and order cluster.
Ito ay para siguraduhin na walang looting na magaganap sa mga bakanteng bahay kung kakailanganing ilikas ang mga residente.
Bukod dito may mga pulis din aniya na naka-deploy sa mga evacuation site.
Kasabay nito, tiniyak ni Maranan na walang mangyayaring “human rights
violation” at mapangangalagaan ang mga sektor ng kababaihan, kabataan at senior citizens.
Nabatid na aabot sa 22, 000 na mga pulis ang ginamit ng PNP ngayon para sa disaster response sa pagtama ng bagyong Betty sa Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne