Pormal nang binuksan ng Department of Agriculture (DA) ang isang buwang selebrasyon para sa mga magsasaka at mangingisda ngayong taon.
Tampok sa selebrasyon ang parada ng mga pananim na Pilipino at mga produktong pagkain.
Ang pagdiriwang ay bilang pagkilala sa mahalagang papel at kontribusyon ng mga bayani sa bukid at palaisdaan, na walang humpay na nagtatrabaho sa lupain at karagatan.
Sila umano ang katuwang ng pamahalaan sa pagtiyak ng sapat na suplay ng pagkain sa bansa.
Ang buwan ng Mayo ay idineklara ng Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources bilang Farmers and Fisherfolks Month. | ulat ni Rey Ferrer