Nais ni Senador Chiz Escudero na magkaroon ng mas maraming ‘earning guarantees’ sa ilalim ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Ito ay para masiguro na kikita ang Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) sa kanilang paglalagay ng pera sa MIF.
Ipinunto kasi ng senador na sa ilalim ng panukala, maglalagay ng bilyong pisong pondo ang Landbank at DBP sa Maharlika Investment Corporation (MIC), at kung wala aniyang ‘benchmark in yields’ ay maaaring mas kaunti ang kitain ng dalawang bangko kaysa sa kasalukuyan na nilang kinikita.
Matatandaang sa ilalim ng MIF bill, P50 billion ang initial stocks na manggagaling sa Landbank habang P25 billion naman mula sa DBP.
Nakasaad rin sa panukala, na ang dalawang bangko ay maaari namang mag-avail ng regulatory relief mula sa Central Bank kung magiging below standard ang kanilang kita.
Gayunpaman, iginiit ni Escudero na hindi na dapat umabot sa ganitong punto, at dapat itong matugunan sa tinatalakay pang panukala ng Mataas na Kapulungan. | ulat ni Nimfa Asuncion
Sen. Escudero, pinatitiyak na mas kikita ang Landbank at DBP sa paglalagay ng pera sa ipinapanukalang Maharlika Investment fund