Sen. Koko Pimentel, nais paimbestigahan sa Senado ang delay sa pamamahagi ng National ID

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Senate Minority Leader Koko Pimentel ng isang resolusyon na naghihikayat sa Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang dahilan ng delay sa pamamahagi ng National identification cards (National ID) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa inihaing Senate Resolution 585 ni Pimentel, sinabi nitong may rason para paniwalaang may malfeasance, misfeasance o nonfeasance sa bahagi ng PSA, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at iba pang ahensya sa pagganap nila ng kanilang mandato sa ilalim ng Republic Act 11055.

Ipinunto ng senador ang matagal na delivery, kuwestiyonableng pakinabang at substandard na kalidad ng mga national ID.

Kailangan aniyang magkaroon ng klarong timeline kung kailan mabibigyan ng national ID ang lahat ng mga Pilipino.

Bukod sa atrasadong pag-iisyu ng national ID, pinunto rin ng senador ang mga reklamo tungkol sa maling personal information at malabong larawan sa mga naipamahaging ID.

May mga reklamo rin aniyang hindi na mabasa ang nakasulat sa ID matapos lang ang tatlong buwan, at ang ilan rin aniyang financial institutions ay hindi tinatanggap ang national ID dahil sa kawalan ng pirma ng may ari. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us