Nais ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na rebyuhin ang implementing rules and regulations (IRR) ng Anti-Agricultural Smuggling Law (RA 10845) upang mas mabigyan na ito ng ngipin.
Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Justice tungkol sa panukalang magtatag ng Anti-Agricultural Smuggling Court, pinuna ni Pimentel na ang simpleng batas ay naging kumplikado dahil sa binuong IRR.
Kabilang pa sa mga mungkahi ng senador ang pagdadagdag ng partikular na krimen gaya ng pagtanggi na mausig ang mga large scale agricultural smuggler.
Sa pamamagitan aniya nito ay mapapanagot ang Bureau of Customs at maging ang Department of Justice (DOJ) kung hindi mapapanagot sa batas ang agricultural smugglers.
Para sa senador, ang pagpapabaya na hindi matuloy ang kaso laban sa mga big time agri smuggler ay katumbas ng obstruction of justice. | ulat ni Nimfa Asuncion