Sen. Raffy Tulfo, di naniniwalang makakasama sa imahe ng Pilipinas ang posibleng pagbawi ng prangkisa ng NGCP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senate Committee on Energy Chairperson Senador Raffy Tulfo na mas magiging paborable sa mga mamumuhunan sa bansa ang pagiging mahigpit ng gobyerno sa pagpapatupad franchise agreement ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ito ang tugon ni Tulfo kaugnay ng babala ng ilan na maaaring ma-turn off ang mga foreign o local investors kung babawiin ng gobyerno ang prangkisa ng NGCP.

Para kay Tulfo, mas matutuwa pa nga ang mga investors dahil alam nilang sinusunod ng husto ang mga kontrata dito sa ating bansa.

Una nang inirerekomenda ng senador na mabawi ang prangkisa ng NGCP dahil sa mga paglabag sa mga nakasaad sa legislastive franchise nito.

Napag-alaman na ang prangkisa ng NGCP ay para sa 50 taong pamamahala sa power grid ng bansa at nagsimula ito taong 2009.

Sa ngayon, kinukumpleto na ni Tulfo ang mga dokumento para mapatunayang dapat nang ma-revoke ang prangkisa ng NGCP. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us