Sen. Tolentino, bukas sa posibilidad ng muling pagmamandato sa pagsusuot ng face mask

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si Senador Francis Tolentino sa posibilidad na ibalik ang pagmamandato ng face mask sa bansa, kasunod ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 lalo sa Metro Manila.

Ipinunto ni Tolentino na mainam ang suhestiyong ito lalo na sa pagsulpot ng bagong variant ng COVID-19 na XBB.1.16 o mas kilala sa ‘arcturus’ variant.

Ipinunto ng senador, na isa pa naman sa mga sintomas ng variant na ito ay parang sore eyes.

Kasabay nito ay pinag-iingat at pinaalalahanan ng senador ang publiko na maging alerto sa bagong variant na ito lalo na sa paghawak sa mata.

Nitong abril, una nang naitala ng DOH ang unang kaso ng COVID-19 arcturus variant sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us