Senador, nais isabatas ang automatic refund sa service interruptions ng mga telco at ISPs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada na maisabatas ang isang mekanismong magmamandato sa mga telecommunications companies (telcos) at internet service providers (ISP) na mag-refund sa kanilang mga subscriber kapag umabot ng 24 oras o higit pa ang pagkaantala ng kanilang serbisyo.

Nakapaloob ito sa inihaing Senate Bill 2074 ng senador.

Giit ni Estrada, patas lang na ibigay ito sa mga subscriber bilang bayad nila ang serbisyo ng mga telco at ISP at kapag hindi rin nakabayad agad ng bill ang mga subscriber ay mabilis ring pinuputol ng mga telco at ISP ang kanilang serbisyo.

Layon ng panukala na iatas sa public telecommunication entities (PTEs) at ISPs ang pagkakaroon ng mekanismo para sa automatic refund o kabawasan sa singil ng kanilang postpaid at prepaid subscribers sa tuwing matitigil ang kanilang pagbibigay serbisyo.

Nais ng nasabing panukala amyendahan ang Section 20 ng Republic Act 7925 o ang Public Telecommunications Policy Act of the Philippines at isama ang probisyon na magtatakda ng refund credit sa customer na nakaranas ng service outage o disruption na aabot sa 24 na oras sa loob ng isang buwan.

Ang refund credit ay dapat ding ibigay maging sa mga customer na prepaid ang batayan ng serbisyo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us