Senador Robin Padilla, nagbitiw bilang Executive Vice President ng PDP-Laban

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-resign na bilang executive vice president ng partidong Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senador Robin Padilla .

Ayon kay Padilla, inihain niya ang kaniyang irrevocable resignation bilang EVP ng partido nitong Lunes o kahapon, May 29.

Gayunpaman, nilinaw ng senador na mananatili pa rin siyang miyembro ng PDP-Laban.

Pinunto ni Padilla na malayo pa ang matatutunguhan ng PDP-Laban kaya naman kailangan nito ng isang EVP na tututok at maglalaan ng oras sa partido.

Aminado ang mambabatas na sadyang mabigat ang kanyang mandato sa taumbayan at alam niyang kailangan niyang bitawan ang iba niyang pananagutan para sa mas epektibong pagganap sa sinumpaang tungkulin bilang senador ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion
📷: Office of Sen. Robin Padilla

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us