Senate President Zubiri, umaasang i-adopt ng Kamara ang Senate version ng Maharlika Investment Fund bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senate President Juan Miguel Zubiri na i-adopt ng Kamara ang ipapasang bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Giit ni Zubiri, mas pinaganda ng senador ang bersyon ng panukala kung saan nilagyan na ito ng mga dagdag na safeguard para maiwasan ang posibleng pag-abuso o maling paggamit ng pondo.

Dahil sertipikado nang urgent bill, sinabi ng senate president na target nilang maipasa ang MIF bill o Senate bill 20202 sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa susunod na linggo, na huling linggo na ng Kongreso bago ang session break.

Matatandaang batay sa rules, ang isang certified urgent bill ay maaaring sabay nang aprubahan sa 2nd at 3rd reading ang isang panukala at hindi na kailangang sundin ang 3-day rule.

Sa ngayon ay tinatapos na lang aniya nila ang mga nakapilang senador na nais pang mag-interpellate o magtanong tungkol sa panukala, at pagkatapos ay bubuksan na ang period of amendments.

Samantala, ipinahayag naman ni Senador Chiz Escudero, na mayroon pang mga ipapasok na amendmenst ang Department of Finance at Bureau of Treasury kaya hihintayin niya ang clean copy ng MIF bill.

Sakaling i-adopt ng Kamara ang senate version ng Maharlika bill ay wala nang mangyayaring bicameral conference committee meeting, kaya’t maihahabol ito sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us